Saturday, March 17, 2018

NIA \ WEEK 1 \ ;-;

             



  

                    Marami akong natutunan sa linggong ito sa asignaturang Filipino. Nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa uri ng mga pang-abay na isang bahagi ng pananalita . Natutunan ko rin ang wastong paggamit ng mga iba't-ibang uri ng pang-abay.  
               Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. May 12 mga uri ang natutunan ko. Pang-abay na Pamanahon, Pamaraan, Panlunan, Pang-agam, Panggano, Pananggi, Panulad, Panang-ayon, Kundisyunal, Kusatibo, Benepaktibo, Pangkaukulan
            Ang mga pang-abay na Pamaraan, Pamanahon, Panlunan, Pang-agam, Pananggi, Panang-ayon ay naglalarawan sa pandiwa. At ang dalawang pang-abay na naglalarawan ng pang-uri ay Panggaano at Panulad. Ang pang-abay na Benepaktibo ay nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao. Ang pang-abay na Kusatibo ay nagsasaad ng dahilan ng kilos. Ang pang-abay na Kundisyunal ay nagsasaad ng kundisyon para maganap ang pandiwa. Ang pang-abay na Pangkaukulan ay pinangungunahan ng hinggil, tungkol, o ukol. Ang hindi ko lang maintindihan sa Pang-abay ay kung pano naiba ang Benepaktibo sa Pangkaukulan. Nais ko po sanang malaman para hindi ako malito sa pagtukoy sa dalawa.
                 
               

              

Hindi pa po namin natalakay ang tungkol sa Pang-angkop, pero ayon sa aking pananaliksik,ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito. May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita. Pang-angkop na na - ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.Ang pang-angkop na ng ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig. Ang huling pang-angkop na g ay ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.
           Nais ko sanang makakita o makabasa ng iba pang halimbawa sa paggamit ng mga pang-angkop na ito, para po mas maintindihan ko lalo ang mga pang-angkop at kung paano ito gamitin sa pangungusap.









Yun lamang po sa linggong ito.. Salamat!







~NiaGorg <3